INIHAYAG na ng festival director na si Bibeth Orteza at ng Universal Harvester, Inc. ang pitong finalists para sa 3rd ToFarm Festival sa grand press conference kahapon sa Monet Room ng Novotel Manila.

ToFARM Filmfest execs at

Ang Top 7 official ToFarm Film Festival entries ay ang mga sumusunod:

Ang historical drama na 1957, mula sa panulat at direksiyon ni Hubert Tebi. Si Hubert ay producer, editor, at cinematographer. Fine Arts Advertising major siya mula San Carlos University sa Cebu at Philippine Women’s University Manila. Siya ang nagtatag ng PWU Independent Film Group noong October 2004 at nag-organize ng annual short film festival para sa student filmmakers.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Alimuom -- science fiction, mula sa panulat at direksiyon ni Keith Sicat. Award-winning independent filmmaker si Keith na nagsimula sa New York City ang professional career. Ang ilan sa mga project niya ay Rigodon, Ka Oryang, The Guerrilla Is A Poet at Woman of the Ruins.

Fasang -- period romance na hinalaw sa classic Philippine short story na Tabanata’s Wife, set in the 1920’s, na magtatampok din ng Japanese actor. Ang pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ng Carlos Palanda Memorial Award winner na si Charlson Ong (Short Fiction -- 1985, 1987, 1990 at 1992) at iba pang awards. Acting chair siya ng Pen International- Philippines at sumulat ng iskrip ng The Ghost Bride ni Direk Chito Roño (2017).

Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story) -- biopic written by Rosalie Matilac, directed by Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac at Milo Paz. Pagbibigay-pugay ito sa isang Pinoy botanist na pinaslang kasama ang kanyang guide sa kagubatan ng Kanangga, Leyte. Si Direk Ellen ay award-winning filmmaker. Her film Boses won Best Picture at the Golden Screen Awards at Cinemalaya Independent Film Festival.

Lola Igna is a cultural drama, written and directed by Eduardo Roy, Jr., set in Sagada. Ang ilan sa mga obra niya ay Quick Change (2013), Bahay Bata (2011) at Pamilya Ordinaryo na nagbigay ng karangalan sa kanya bilang Best Director sa ilang local at international film festivals.

Mga Anak ng Kamote -- futuristic drama na isinulat ni John Carlo Pacala at ididirek ni Carlo Catu. Si Direk Carlo ay nakilala sa Kapampangan film na Ari: My Life With a King at naging recipient ng Ani ng Dangal.

Sol Searching -- dark comedy written and directed by Roman Perez, Jr. na naging assistant director ng mga award-winning filmmakers tulad nina Peque Gallaga, Lore Reyes, Brillante Mendoza, Joel Lamangan, Mike Tuviera, Eric Quizon at Gina Alajar.

Ang bumubuo ng selection committe ay sina Raquel Villavicencio (chairman), Krip Yuson, Manny Buising, Mario Cornejo at Antoinette Jadaone.

Ang 3rd ToFarm Film Festival ay tatakbo simula Setyembre 12 hanggang 19.

-LITO MAÑAGO