Ipinag-utos ng Sandiganbayan Fourth Division ang 90 araw na suspensiyon pendente lite ni Tagbina, Surigao del Sur Mayor Generoso Naraiso kaugnay ng kinakaharap niyang kaso ng graft.

Inakusahan si Naraiso ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (R.A. 3019) sa kabiguang bayaran at ipalabas ang representation at transportation allowance ng accountant ng munisipyo na si Marcial S. San Pablo Jr. simula noong Marso hanggang Hulyo 2015.

Ito ay sa kabila ng direktiba ng Civil Service Commission (CSC)-Caraga na may petsang Mayo 29, 2015 pabor kay San Pablo.

Itinatakda ng batas ang suspensiyon ng sinumang opisyal ng gobyerno na nililitis sa kasong kriminal, partikular ang may kinalaman sa pondo o ari-arian ng pamahalaan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Czarina Nicole O. Ong