Inihayag ng nasibak na si Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) Chief Rudolf Philip Jurado na inirerespeto niya ang pasya ni Pangulong Duterte na tanggalin siya sa puwesto, bagamat itinanggi niya ang akusasyon ng kurapsiyon na ibinibintang sa kanya ng mga abogado ng ahensiya.

“I accept and respect our President’s decision,” saad sa pahayag ni Jurado. “As an appointee who serves under his pleasure, I am honored to have been given a chance to serve under his administration.”

Lunes nang ihayag ni Duterte ang pagsibak sa tungkulin kay Jurado dahil sa pagpapahintulot umano sa mga prangkisa ng Aurora Pacific Economic Zone (APECO) sa labas ng lalawigan.

Depensa naman ni Jurado, “under APECO’s amended Charter, also known as R.A. No. 9490, as amended by Republic No. 10083, it is clear that APECO is allowed to operate outside the Aurora Economic Zone as long as within a PEZA (Philippine Economic Zone) controlled area.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Naniniwala rin si Jurado na ang away niya sa mga abogado ng OGCC ang nasa likod ng mga alegasyon laban sa kanya, makaraan umanong mabuking ng Commission on Audit (CoA) ang pagtanggap umano ng nasabing mga abogado ng “secret allowances” mula sa ilang government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Aniya, inatasan niya ang mga abogado na tumalima sa utos ng CoA, “refraining from collecting these so-called allowances/honoraria directly from GOCCs and to instead remit the same to the office (i.e., OGCC) through its Accounting Section for monitoring purposes”, pero hindi umano siya sinunod ng mga ito, ayon kay Jurado.

-Jeffrey G. Damicog