Bilang pagsunod sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na linisin ang hanay ng mga pulis, bumuo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Special Team of Regional Inspectors and Key Evaluators (S.T.R.I.K.E.) na magsasagawa ng random inspection, monitoring, evaluating at validating ng deployment at operasyon ng mga pulis sa Metro Manila.

Bukod pa rito, magkakasa rin ang S.T.R.I.K.E. team ng random drug testing sa kasagsagan ng inspeksiyon.

Ang positibong komento sa team ay magbibigay naman ng parangal sa mabuting pulis, habang gagamitin naman ang negatibong obserbasyon sa disciplinary sanctions o pagsibak sa tungkulin sa mga pasaway at tiwaling pulis.

Kumpiyansa si NCRPO Director Camilo Pancratius Cascolan na ang S.T.R.I.K.E team ay magsisilbing inspirasyon at babala sa mga pulis-NCRPO, na layuning makilala sa parehong paggawa ng mabuti at pagpaparusa naman sa masama.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inatasan ni Cascolan si Senior Supt. Benjamin C Acorda, hepe ng Regional Intelligence Division (RID) ng NCRPO, na pangunahan ang naturang team.

-Bella Gamotea