Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas nang idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election ngunit hindi pa rin umano binabayaran ng isang nanalong kagawad ang dalawa nitong election workers sa Valenzuela City.

Ayon kina Joey at James, isang Joie Merias ang nag-recruit sa kanila bilang workers sa kumandidatong kagawad na si Zell Dela Cruz sa Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Anila, halos isang linggo silang nagpintura ng pamaymay na ipinamahagi sa mga tagasuporta ni Dela Cruz at pinangakuan umano ng suweldong P300 kada araw.

Ang ikinasasama ng loob ng dalawa ay ilang araw na ang nakalilipas at nanalo na ang kagawad ngunit wala umano silang natanggap na suweldo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nagwagi si Dela Cruz at ika-pito sa Bgy. Gen. T. De Leon, na itinuturing na pinakamalaking barangay sa 33 barangay sa Valenzuela City.

“Nagtiis kami sa amoy ng pintura pero tiniis namin ‘yun kasi kailangan naming kumita ng marangal, tapos hindi kami nabayaran,” hinaing nina Joey at James.

-Orly L. Barcala