MULA sa makasaysayang pagtatapos ng kanyang UAAP career, nakatakdang maglaro si dating UAAP men’s volleyball 5-time MVP Marck Espejo para sa Japanese club team na Oita Miyoshi Aeisse Adler sa V League sa bansang Japan.

“Isa sa mga goals ng mga athletes dito sa Pilipinas ay makalaro a abroad,” pahayag ni Espejo. “Kaya naman napakasaya ko ngayon pero at the same time kinakabahan.”

Walang dudang ang kanyang kredensyal ang nagbigay kay Espejo ng magandang oportunidad.

Bukod sa pagiging 5-time MVP, malaking papel ang ginampanan ni Espejo sa pagkakampeon ng Blue Eagles noong Season 79 at 78. Nagwagi rin siya bilang Rookie of the Year, 4-time Best Attacker, 2-time Best Server, at 2 -time Best Scorer para sa Blue Eagles sa UAAP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inirekomenda si Espejo sa White Eagles ni University of the Philippines head coach Godfrey Okumu, na minsang nagtrabaho sa Oita Miyoshi.

Magbabalik si Espejo sa bansa sa susunod na taon para sa 2019 Southeast Asian Games.

“Gagawin ko lahat para umabot dun sa level of play nila sa Japan kasi iba yung laro dito kumpara doon,” aniya.

-Marivic Awitan