LAKE SEBU, South Cotabato -- Pinagharian ni Roumundo Jaime Alexis Edades Jr. ang South Cotabato Open Chess Championship nitong Linggo, na ginanap sa Punta Isla Resort, Lake Sebu sa South Cotabato dito.

Nakalikom si Edades sa 6 puntos sa 7-round rapid format para makopo ang titulo sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament na inorganisa ng city government ng South Cotabato sa pangunguna ni tournament director Joselito “Lito” Dormitorio na suportado nina Senator Manny Pacquiao, Lake Sebu town Mayor Antonio Fungan, South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes, Alphaland at ng Philippine Executive Chess Association (PECA).

Sa katunayan si Edades ay kasalo sina Dr. Jenny Mayor at Fide Master Nelson “Elo” Mariano III sa unahang puwesto na may tig 6 puntos pero naiuwi ang titulo sa bisa ng mas mataas na tiebreak.

Nakaipon naman sina Eduard Sumergido, National Master Efren Bagamasbad at Ronnie Selguerra ng tig 5.5 puntos para magka-agapay sa ika-4 hanggang ika-6 na puwesto.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga nakapasok sa top 12 ay sina Rey Reyes, Ravel Canlas, Nazario Ubanan, Gomobar Balabagan, Stanley Butihin at Ryan Concepcion na may tig 5 puntos