Nais ni Senador Joseph Victor Ejercito na itaas ang buwis sa sigarilyo bilang kapalit ng suspensiyon ng excise tax sa mga petrolyo, na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ayon kay Ejercito, pinakamura pa rin ang presyo ng sigarilyo sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, at kaya pa naman itong itaas.
“Two birds with one stone ‘yan, makakakuha na tayo ng much needed revenues para sa pangangailangan ng ating pamahalaan and, at the same time, it will now become a health measure na mabawasan na rin ‘yung talagang mga nagsisigarilyo,” ani Ejercito.
Dadalhin sa Biyernes ng Senate committee on public services ang kaparehong pagdinig sa Legazpi City, Albay upang matiyak na malawakan ang magiging kampanya nito.
Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng komite, isa ito sa mga mabisang paraan upang maipalaganap ang impormasyon hinggil sa TRAIN law.
-Leonel M. Abasola