NATAGPUAN na wala nang buhay ang dating Deadliest Catch captain na si Blake Painter, sa edada na 38, sa kanyang tahanan sa Oregon nitong Biyernes, kinumpirma ng Clatsop County Sheriff’s office sa PEOPLE.

Natuklasan ang katawan ng dating captain ng F/V Maverick, na lumabas sa Discovery Channel series noong 2006 at 2007, dahil ilang araw na siyang walang paramdam sa kanyang kaibigan na nabahala at siyang tumawag ng pulis, ayon sa TMZ.
Susuriin din ng pulisya ang ilang substance na natagpuan sa lugar ng kinatagpuan sa bangkay ni Painter, kung ito ay narcotic. Walang suspetsa ang mga pulis na mayroong foul play sa insidente, bagamat hindi pa natutukoy ang opisyal na sanhi ng pagkamatay ni Painter. Hindi pa lumalabas ang kanyang autopsy at toxicology test.
Unang lumabas si Painter, na isang expert crab fisherman, sa Deadliest Catch Season 2 at nawala rin sa series, makaraan ang ilang episode sa ikatlong season.
Una nang nagbahagi si Painter ng kanyang love-hate relationship sa kanyang karera, kabilang ang ilang injuries na natamo niya, nang makapanayam ng Seattle Weekly noong 2013.
“I dread long-lining season, just because it’s so repetitive,” aniya, bago sinabing, “When fishing is good, you’re making money quick. It’s not uncommon to make $1,000 a day.”
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang Discovery Channel.