CAMP OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang depresyon ang dahilan kung bakit nagawang i-hostage ng isang lalaki ang kanyang misis at kanilang mga anak sa Barangay Cabasag Lower sa Del Gallego, Camarines Norte, nitong Lunes.

Napatay naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na kinilalang si Norman Nario y Galvez, 33, residente sa nasabing barangay.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-5 spokesperson Senior Inspector Malu Calubaquib, dakong 6:30 ng hapon nang i-hostage ni Nario ang asawang si Lyn Baluyan, 27, kasama ang tatlong anak nilang lalaki—isang 11-anyos, isang walong taong gulang at isang taong gulang ang bunso.

Matapos ang ilang oras na negosasyon, tinaga ng suspek ang kanyang asawa, kaya pinaputukan na siya ng mga pulis, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kaagad namang dinala sa Bicol Medical Center sa Naga City si Baluyan at ang kanilang bunsong anak na kapwa nagtamo ng mga sugat sa pananaga.

-Niño N. Luces