BAGO tuluyang sumabak sa prestihiyosong quadrennial meet na Asian Games ngayong Agosto, tutudla muna dalawang tune up games si Nicole Marie Tagle ng archery.

Ayon sa 16-anyos na si Tagle, nakatakda siyang sumali sa 3rd World Cup Archery na gaganapin sa Salt Lake City sa Estados Unidos sa ikalawang linggo ng Hunyo, kasunod ang Asia Cup sa Taiwan sa Hulyo.

“This is going to be a part of our tune up games po before the Asian Games,” pahayag ni Tagle. “Right now po I’m on training not only with the national team but with my personal coaches who’s been with me ever since,” pahayag ng pambato ng Dumaguete.

Si Tagle rin ang unang batang atleta na pinangalanan na makakasama sa delegasyon ng bansa Youth Olympic Games (YOG) na gaganapin ngayong Oktubre 6 sa Buenas Aires sa Argentina.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi umano biro ang ginagawa nilang training ngayon sa archery gayung nais ng mga archers na makapagbigay ng karangalan sa bansa, gaya ng kanyang ginawa sa nakalipas na SEA Games sa Malaysia kung saan nag-uwi siya ng silver medal.

Kamakailan, naghakot din ng medalya buhat sa Philippine National Games (PNG) si Tagle sa tatlong category sa archery, kung saan nag-uwi ito ng silver buhat sa Olympic Round, Silver sa mised doubles at gold sa Team event.

“Magandang training din po ‘yung PNG kasi I can get play with all the National Athletes and with the local athlets. Very challenging po kasi anytime, you can be beaten by the non national athletes. It was a great competition po sa PNG, “ pahayag pa rin ni Tagle.

Nakatakdang umalis si Tagle, kasama ang isa pang National team member na si John Paul Marton de la Cruz patungong Estado Unidos sa Hunyo 14 para sa nasabing tune up game bago ang event.

-Annie Abad