Iginiit ng isang kandidato sa Barangay Payatas, Quezon City, sa Commission on Elections na ipawalang-bisa ang proklamasyon ng nanalong barangay chairman na dati nang sinibak ng Office of the Ombudsman dahil sa apat na kasong administratibo.

Sa 20-pahinang petisyon ni Lopez Ludovica Jr., kapatid ni Quezon City District 2 Ranulfo Ludovica, hiniling nito sa Comelec na bale-walain ang proklamasyon ni Manuel Guarin nitong nakaraang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections dahil sa pagiging “wrongful winner” nito.

Diin ni Ludovica, walang karapatan si Guarin na tumakbo bilang barangay chairman sapagkat inatasan ng Ombudsman ang Department of Interior and Local Government na sibakin ito bilang barangay chairman noong 2016 dahil sa kasong grave misconduct at iba pa.

Sa simula pa lamang ng canvassing ay kinuwestiyon at ipinoprotesta na nila ang pagkakandidato ni Guarin bilang punong barangay. Si Ludovica ang sumunod na nakakuha ng mataas na boto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Jun Fabon