PINATUNAYAN nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng Petron XCS ang pagiging reyna sa local beach volleyball nang gapiin ang tambalan nina Jackie Estoquia at DM Demontano ng Sta. Lucia, 21-8, 21-11, nitong Linggo sa Philippine Super Liga Beach Volleyball Challenge Cup sa Sands by the Bay.

 NAGDIWANG sina Sisi Rondina (kaliwa) at Bernadeth Pons ng Petron XCS matapos makaiskor laban sa tambalan nina Jackie Estoquia at DM Demontano ng Sta. Lucia tungo sa staright set win para makopo ang kampeonato sa Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup nitong Linggo sa Sands by the Bay. (RIO DELUVIO)

Sa kabila nang iniindang lagnat, sumabak sa laban sina Rondina at Pons sa ilalim ng init ng araw para makamit ang ikalawang sunod na PSL beach volleyball crown.

“Sobrang init tapos ’di pa kami nagti-training dito, patagalan na lang ‘yung ginawa namin,” sambit ni Rondina. “Na-survive namin and we’re blessed na napagtyagaan naming dalawa. Syempre thank you kasi nandun pa rin yung connection namin sa isa’t isa.”

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“Nahirapan naman talaga kami kasi competitive naman talaga ’yung mga kalaban, mabibilis. Ang ginawa lang talaga namin ginusto naming manalo. Bawat makakalaban namin ginusto naming talunin at ito ’yung naging result,” pahayag naman ni Pons.

Nakamit ng tambalan nina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Generika-Ayala A’s ang ikatlong puwesto nang maungusan ang karibal na sina Mich Morente and Fritz Gallenero, 21-16, 21-14.

“No pressure lang, last game na namin ni Patty so we gave our all,” sambit ni Ceballos. “Ok lang naman kasi naka-bronze kami.”