TINULDUKAN ng Pocari Sweat-Air Force ang three-game winning run ng Balipure sa impresibong 25-19, 10-25, 25-17, 25-21 panalo nitong Linggo sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Linggo sa Batangas City Sports Coliseum.

Volleyball | Pixabay

Nanguna si Lady Bulldogs at dating National University star Myla Pablo sa Lady Warriors sa game-high21 puntos, 14 attacks, apat na blocks at tatlong service aces.

Kumana sin a American imports Arielle Love at Madeline Palmer ng 18 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Pocari Sweat-Air Force na tumabla sa kanilang karibal, 3-2.

Pamangkin ni Hidilyn Diaz, unang atletang sumungkit ng ginto sa weightlifting sa Palarong Pambansa

“Nakatsamba lang kami, siguro nagsabay-sabay na magkaroon ng teamwork,” sambit ni Pocari Sweat-Air Force coach Jasper Jimenez. “’Yung first set namin maganda ang nilaro, ang pangalawa siguro na-overconfident lang. Buti nakabalik kaagad kami.”

Tumipa si American imports Janisa Johnson at Alexis Matthews sa naiskor na 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang nag-ambag si Alyssa Solomon ng 13 puntos..

Samantala, sinalanta ng Creamline ang Tacloban, 25-14, 27-25, 26-24, para masungkit ang solo top spot.

Hataw si Alyssa Valdez sa naiskor na 22 puntos, habang kumana si Thai import Kuttika Kaewpin ng 6 puntos para sa Cool Smashers (4-1). Bagsak ang Tacloban sa 2-3.

Humirit sa Fighting Waray si Thai reinforcement Hyapha Amporn na may 15 puntos, habang si team captain Jovielyn Prado ay may 11 puntos.