N’DJAMENA (AFP) – Nagsara ang mga ospital at paaralan sa Chad nitong Lunes dahil sa strike ng civil servants kaugnay sa pagbawas ng gobyerno sa kanilang suweldo.

Hinihiling mga manggagawa sa public sector ang buong bayad sa kanilang mga suweldo matapos bawasan ng 50 porsiyento ang kanilang mga bonus at allowance nitong Enero dahil sa pagtitipid ng gobyerno. Binawasan na rin ng kalahating porsiyento ang kanilang mga suweldo noong 2016.

Nakiusap sa kanila si President Idriss Deby, nasa puwesto simula pa noong 1990, na maghintay hanggang sa katapusan ng taon para maging regular ang kanilang mga suweldo.

Tumanggi ang mga unyon sa kanyang kahilingan at nanawagan ng indefinite strike.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'