Naging krisis na ang mataas na presyo ng langis sa bansa ngunit maaaring pansamantala lamang ito sa gitna ng mga planong itaas ang output mula sa mga nangungunang crude producers sa mundo, inihayag ng Malacañang kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inaasahan nilang bababa ang presyo ng langis sa pagpayag ng Russia at United States na itaas ang kanilang oil production.

“Hindi naman permanente itong nangyayaring krisis. Talaga namanpong krisis. Nakakaabala ang pagtaas ng presyo dahil mahigit 200 percent ang tinaas ng presyo,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Hindi natin yan inaasahan dahil medyo stable naman ng presyo ng krudo pero temporary lang ito. Tingnan natin pangyayari. Gaya ng sinabi ko, ang Russia nag-increase ng supply nila. Pati ang Estados Unidos biglang nag-increase ng exports nila ng krudo,” dugtong niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Tiniyak ni Roque gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para maibsan ang epekto nito sa mamamayan.

Inaasahang magpapatawag ang Pangulo ng Cabinet meeting sa Hunyo 11 para talakayin ang “alleviation measures” tulad ng posibleng pag-aangkat ng mas murang produktong petrolyo mula sa mga bansang hindi miyembro ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) tulad ng Russia at US.

Malaki ang itinaas sa presyo ng langis nitong mga nakalipas na linggo sa pagtaas ng presyo nito sa world market. Kamakailan ay iniulat na pumayag ang Russia at Saudi Arabia na palakasin ang oil supply sa gitna ng tumitinding pangamba na umabot ang presyo nito sa pinakamataas simula noong huling bahagi ng 2014 na nasa $80.50 bariles kada buwan.

-GENALYN D. KABILING