SINORPRESA ni Justin Timberlake ang mga nakaligtas sa Santa Fe High School shooting, sa kanyang biglaang pagbisita sa ospital na tinitigilan ng mga ito nitong Biyernes.

Justin

Dinalaw ng singer ang mga biktima, higit sa lahat si Sarah Salazar, sa Clear Lake Regional Medical Center malapit sa Santa Fe. Si Sarah, 16, ay ilang beses na tinamaan – pati sa leeg – nang pagbabarilin sila ng kanilang kaklase sa eskuwelahan noong Mayo 18, na ikinamatay ng sampu katao at sampu rin ang nasugatan, kabilang ang dalagita.

Nag-post ang ina ni Salazar, si Sonia Lopez-Puentes, ng larawan ng surprise visit sa Facebook.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Justin Timberlake visited Sarah Salazar this morning and brought her a gift,” post ni Lopez-Puentes sa Facebook. “He brought his tour T-shirts!”

Dahil sa Timberlake’s Man of the Woods tour, napapunta si Justin sa Texas, at nakapanood ng Houston Rockets game nitong Huwebes, bago nagtanghal sa isang show nitong Linggo. Ang Santa Fe naman ay 45 minuto lamang ang layo mula sa Houston.

Katabing nanood ng Rockets game ni Timberlake ang NFL star na si J.J. Watt, na bumisita rin kay Sarah at iba pang biktima ng pamamaril, at tanyag din siya dahil sa kanyang community work.

Si Watt ang nagbayad sa pagpapalibing ng sampung biktimang binawian ng buhay.

Inihayag ng miyembro ng pamilya ni Sarah na ilang tama ng bala ang kanyang natamo, at kinakailangan niyang sumailalim sa complete shoulder replacement. Tumulong din ang GoFundMe page para kumalap ng tulong para sa dalgita, at nabayaran na rin ang kanyang medical bills para sa pagsasaayos ng kanyang nabasag na panga, kaya hindi pa siya maaaring magsalita at gumalaw sa loob ng anim na linggong pagpapagaling, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight.