Natalo si dating WBA interim super flyweight champion Drian Francisco ng Pilipinas kay WBC No. 4 super featherweight Eduardo Hernandez via 3rd round TKO nang hindi na siya lumaban sa nasabing round sa Teatro Moliere, Mexico City, Mexico noong Linggo ng gabi.

Unbeaten WBC #4 super featherweight Eduardo “Rocky” Hernandez (25-0, 22 KOs) pummeled former 115lb interim champion Drian Francisco (29-6-1, 22 KOs) for two rounds and Francisco didn’t come out for round three,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Quite the comeback for Hernandez, who took a bullet in the back in January.”

Ipinagtaka ng Balita kung paano nakalaban si Francisco para sa WBC Youth super featherweight title na pinaglabanan nila ni Hernandez gayong 35-anyos na ang Pinoy boxer kumpara sa 20-anyos na Mexican at kataka-taka kung paano ito pinayagan ng WBC na nakabase mismo sa Mexico City kaya dapat itong imbestigahan ng Games and Amusement Board (GAB).

-Gilbert Espeña

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe