IKINALUGOD ng Coca-Cola FEMSA Philippines (KOFPH) na maging pakner at bahagi ng isinusulong na sports program ng Department of Education (Deped) sa pamamagitan ng Palarong Pambansa na ginanap nitong Abril sa Ilocos Sur.

“We applaud the efforts of the Department of Education on the annual holding of the Palarong Pambansa. Through this yearly sports competition, many student athletes are given the valuable opportunity to further develop their skill in their chosen sport. We further extend our congratulations to the student athletes themselves who, beyond attaining victories, have also formed lasting friendships, strengthened characters, and developed a healthy dose of camaraderie and sportsmanship towards their competitors,” pahayag ni Juan Lorenzo Tañada, Coca-Cola FEMSA Legal and Corporate Affairs director.

Bilang isang kompanya na nagsusulong ng kahalagahan ng sports at kaunlaran ng atletang Pinoy, patuloy ang pagbibigay ayuda ng KOFPH para masiguro ang kaligtasan ng mga ateta at opisyal sa Palarong Pambansa.

Ang taunang pakikibahagi ng KOFPH sa Palarong Pambansa ay bahagi ng programa ng kompanya na maisulong ang kahalagahan ng sports para sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng mga Pilipino.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!