‘GUILTY beyond reasonable doubt of the crime of kidnapping and failure to return a minor.’

VINA copy

Ito ang hatol sa negosyanteng si Cedric Cua Lee, ama ng anak ni Vina Morales na si Ceana Magdayao Lee na inilabas ng Regional Trial Court Branch 277, Mandaluyong City na pinirmahan ng Presiding Judge na si Anthony B. Fama.

Matagal nang hiwalay sina Vina at Cedric kaya binigyan ng visitation rights ang huli sa anak tuwing weekend.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naiulat sa maraming pahayagan na noong Mayo 14, 2016 ay sinundo ni Cedric si Ceana sa bahay ni Vina (na wala sa Pilipinas noon dahil may trabaho sa ibang bansa) at dinala sa bahay nito sa Mandaluyong.

Kapag wala sa bansa si Vina ay sa mga kapatid niyang sina Sheila at Shaina Magdayao niya ipinagkakatiwala ang anak.

Base sa pahayag ng driver ni Vina ay naglaro mula 2 PM hanggang 10 PM si Ceana sa playground ng condo at kaya nag-text na ang Ate Sheila Magdayao (tiyahin ni Ceana) sa driver nila kung anong oras sila uuwi. Pero sinabihan daw ni Cedric ang driver na hindi na uuwi at may court order daw sila.

Nagpunta ang ama ng Magdayao sisters na si Mr. Enrique Magdayao sa San Juan Hall of Justice noong Mayo 16 para alamin kung totoong may inilabas na court order para sa apo, pero napag-alaman nila na wala pala.

Pagkalipas nang siyam na araw (Mayo 14-23) ay saka lang nakita ni Shaina ang pamangkin sa isang lugar sa San Juan kasama ang yaya at sinabing gustung-gusto nang umuwi ng bata pero hindi raw sila pinapayagan ni Cedric.

Dito na nagsampa ng kaso si Vina kasama ang legal counsel niyang si Atty. Lucille Sering laban kay Cedric dahil sa hindi nito pagsoli sa anak nila sa tamang oras at araw.

Ayon sa nakasaad sa Art. 270 – Kidnapping and failure to return a minor – The penalty of reclusion perpetua shall be imposed upon any person who, being entrusted with the custody of a minor person, shall deliberately fail to restore the latter to his parents or guardian.

Guilty ang hatol ng korte kay Cedric at dahil may blood relations ay pinagbabayad lang siya ng danyos na Three Hundred Pesos (P300) at para sa moral damages, Twenty Five Thousand Pesos (P25,000) at nominal damages, Twenty Five Thousand Pesos (P25,000).

Hiningan namin ng pahayag si Vina tungkol sa isyung ito pero ayaw na muna niyang magbigay ng pahayag. Ang sabi lang niya, “I’m still floating.”

Bukas ang pahinang ito para sa panig ni Cedric Lee.

-REGGEE BONOAN