Sultan, yumuko kay Ancajas via decision

FRESNO, California (AP) – Nakipagsabayan at nanindigan para mapanatili ni Jerwin Ancajas ang IBF super flyweight title.

NATIGAGAL si Jonas Sultan nang tamaan ng bigwas ni Jerwin Ancajas sa kaagahan ng kanilang duwelio sa All-Filipino world championship sa California. (BOXINGSCENE)

NATIGAGAL si Jonas Sultan nang tamaan ng bigwas ni Jerwin Ancajas sa kaagahan ng kanilang duwelio sa All-Filipino world championship sa California.
(BOXINGSCENE)

Tunay na hindi malilimot ang makasaysayang All-Filipino world title fight nitong Sabado (Linggo sa Manila) kung saan nakamit ni Ancajas ang panalo via unanimous decision laban sa kababayang si Jonas Sultan sa 12-round fight sa Save Mart Center dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tulad ng inaasahan, maaksiyon at makapigil-hininga ang bawat bigwas na pinakawalan ng magkaribal, ngunit sa huli ang desiyson ng mga hurado ay pumabor sa kaliweteng kampeon.

Nakuha ni Ancajas (30-1-1, 20 KOs) ang iskor sa tatlong hurado na sina Jonathan Davis (119-109), Daniel Sandoval (117-111) at Zac Young (119-109).

Ang laban ang kauna-unahang All- Filipino world title championship sa nakalipas na 93 taon.

Ito ang ikalimang pagdepensa sa korona ng 26-anyos na si Ancajas mula nang makopo ang IBF super flyweight title noong September 2016 at natuldukan ang five-fight winning streak ni Sultan.

Nakamit ng 26-anyos na si Sultan (14-4, 9 KOs) ang unang kabiguan mula nang matikman ang 10-round unanimous decision kay Japan’s Go Onaga (28-4-4, 19 KOs) noong November 2015.

Sa supporting bout, nakamit ni Pinoy

fighter John Moralde ang unanimous decision win laban sa dating walang talong si Ismail Muwendo ng Uganda.

Nakuha ni Moralde ang panalo sa iskor na 76-74, 76-74,77-73.

Nahila ni Moralde ang marka sa 20-1, tampok ang KOs para makabawi sa unang kabiguang nalasap sa kamay ni Toka Kahn Clary sa New York City noong December.

Samantala, buo na ang script ni Top Rank promoter Bob Arum matapos kapwa magwagi sina IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas at WBA junior bantamweigh champion Khalid Yafai ng United Kingdom kahapon sa Save Mart Center, Fresno, California.

Labanang Ancajas at Yafai sa ‘unification bout’ sa Setyembre.

Napaganda ni Ancajas ang kanyang rekord sa 30-1-1 win-loss-draw na may 20 pagwawagi sa knockouts samantalang nanatiling undefeated si Yafai sa perpektong 24 na panalo, 15 sa pamamagitan ng knockouts.