Binigyang-diin ng Office of the Solicitor General (OSG) na walang “conflict of interest” sa kontrata sa pagitan ng isang ahensiya ng gobyerno at security firm na pagmamay-ari ng asawa ni Solicitor General Jose Calida, na si Milagros.

Sa isang pahayag, sinabi ni OSG spokesman Hector Calilung na nagbitiw na sa puwesto si Calida bilang chairman at presidente ng Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) noong Mayo 2016, bago siya umupo bilang solicitor general, ang pinunong manananggol ng gobyerno.

Paliwanag ni Calilung, sumunod si Calida sa Section 9 ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

“There is no conflict of interest. The contracts between Vigilant and the NPDC (National Parks Development Committee) did not require the approval of the OSG. Also, the OSG does not regulate, supervise or license security agencies like Vigilant,” saad ni Calilung.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Batay sa mga dokumento mula sa NPDC, National Anti-Poverty Commission (NAPC) at National Economic and Development Authority (NEDA), kinontrata ng nasabing mga ahensiya ang VISAI mula 2016 hanggang 2018.

Resulta ng public bidding alinsunod sa Procurement Act (RA 9184) ang lahat ng mga kasunduan ng VISAI, sabi ni Calilung.

“All subsequent contracts with NPDC were obtained through public biddings and were therefore aboveboard,” dagdag niya.

Nag-ugat ang i syu sa k i n a k a h a r a p na k a song katiwalian ni Calida sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa nagsampa ng kaso, kahit wala na sa naturang security agency si Calida, pagmamay-ari pa rin niya ang 60 porsiyento ng VISAI.

-Beth Camia