BALIK-It’s Showtime na si Vice Ganda after ng kanyang five-leg show sa U.S. at Canada na balitang naging matagumpay at dinumog ng mga manonood lahat.

Vice copy

Kaya labis ang pasasalamat ni Vice sa mga kababayan nating tumangkilik sa kanyang shows.

“Ang saya, sabi ko nga nu’ng finale ng last leg, nagyakapan na kami ‘tapos umiyak na ako,” sabi ni Vice. “My heart is just full of joy kasi ‘kinukuwento sa akin ng mga producers na nahihirapan na silang magbenta ng tickets ng concerts lately.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Parang kailangan na nilang isubo sa bibig ng mga ticket buyers para bilhin, ang hirap na. Pero ‘yung concert ko, ang dali nilang nabenta, lahat nag-sold out.

“Kaya ang bait lang ng mga tao sa akin, mahal na mahal nila ako. Damang-dama ko ‘yung pagmamahal sa akin ng mga Filipino do’n sa ibang bansa kaya ang saya-saya ko.”

Pahabol pa ni Vice, “Sabi ko nga, natapos ‘yung tour, pagod na ang lahat, patay na ang mga katawan nila... sabi ko, in the zone pa ako, parang kaya ko pa ng sampu. Hind ako nakaramdam talaga ng pagod, I was so inspired.

“The last time I talked to you, sabi ko I went through something, dumaan ako sa dark side. Ngayon, ang saya-saya ng nararamdaman ko, ang liwa-liwanag ng lahat. Kaya pasalamat lang ako nang pasalamat sa Diyos sa lahat ng mga nangyayari, sa lahat ng mga tao sa paligid ko.

“Iba ang love na naramdaman ko sa mga tao na nanood ng concert ko that time,” masayang sabi ni Vice.

Matatandaan na sumailalim si Vice sa operasyon kamakailan at may inilagay na tubo sa kidney niya na nakitaan ng kidney stones. Masayang ibinalita ng komedyante na tinanggal na ang tubo at umaayos na ang kanyang kalusugan.

“Maayos ako ngayon,” aniya. “Tuloy pa rin naman ang medication ko, wala na akong stent, wala na akong tubo, okay na ako kaya ang likut-likot ko na naman, ang saya-saya ko.”

Aminado ang mga manonood na kulang ang show ‘pag wala siya. Kaya sa kanyang muling pagsalang onstage, lahat ng effort sa pagho-host at pagpapatawa ay ginawa niya.

“Nami-miss ko na, nagpahinga lang ako ng three days extra nu’ng dumating kami ng America. Binigyan ako ng three days extra, pero sabi ko I’m so excited to go back to work and serve my purpose again. I won’t stop, I am so inspired,” pangako ni Vice.

-ADOR SALUTA