Pinagbabayad ng Court of Tax Appeals (CTA) ang isang real estate company ng P65 milyong buwis matapos maubos ang panahon ng huli sa paghahain nila ng protesta kontra sa desisyon ng Court of Tax Appeals (CTA) sa usapin.

Ito ay nang katigan ng CTA ang ipinataw na deficiency tax assessment ng BIR laban sa Greenhills Properties.

Paliwanag ng CTA, nagsampa ng petition for review sa hukuman ang kumpanya sa halip na maghain muna ito ng motion for reconsideration (MR) sa 2nd Division nito, alinsunod sa Section 1 ng Revised Rules of Court.

Sa inamyendahang desisyon ng CTA, iniutos nito sa kumpanya na bayaran sa BIR ang nasabing buwis na sumasaklaw sa deficiency income at withholding tax nito para sa taong 2007.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Paglilinaw ng korte, hindi muna sana kinuwestyon ng kumpanya ang desisyon nito sa hukuman dahil kinakailangan munang magharap ito ng MR sa dibisyon ng korte para sa isasagawang paglilitis.

“The procedural rules must be followed and not trifled with,” bahagi ng ruling ng hukuman.

Jun Ramirez