SAMPAL sa mukha ng Philippine basketball.

RAVENA: Nalagay sa kontrobersya

RAVENA: Nalagay sa kontrobersya

Sinuspinde ng International Basketball Federation (FIBA) ang PBA star rookie ng 18 buwan bunsod nang pagpositibo sa ilegal na droga. Epektibo ang suspensyon simula Pebrero 25, 2018 hanggang Agosto 24, 2019.

Sa opisyal na pahayag ng FIBA, nagpositibo si Ravena sa isinagawang doping test sa laro ng Gilas Pilipinas laban sa Japan nitong Pebrero 25 na ginanap sa MOA Arena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nitong Marso 16, lumabas sa pagsusuri na positibo si Ravena sa ipinagbabawal na gamot. Isinagawang ang re-evaluation nitong Marso 29, ngunit nanatiling positibo ang resulta.

Sa kanyang sulat sa FIBA, sinabi ni Ravena na ang tanging ininom niya ay pre-workout drink na tinatawag na C4 na aniya’y napag-alaman niya nang maglaro siya sa NBA G-League at nabili niya sa isang tindahan sa Manila.

Bago ang laro ni Ravena sa Australia, kinapos umano ito sa supply ng C4 at inirekomenda sa tindahan na palitan niya ng DUST na pinaniniwalaan na pinagmulan ng naturang illegal na substance.

Iginiit ni Ravena na isang pagkakamali ang naging desisyon, ngunit aniya ay wala siyang intensyon na mandaya sa paglalaro sa Gilas Pilipinas.

Nitong April 26, sinabi ni Ravena sa FIBA na nagkamali siya at hindi masyadong pinag-aralan ang laman ng naturang pre-workout drink na naglalamn pala ng illegal substance.

Iginiit din ng dating Ateneo Blue Eagle at ngayo’y star guard ng NLEX sa PBA na ikinalulungkot niya ang kaganapan at walang intensyon na labagin ang FIBA anti-doping policy, gayunman tatanggapin umano niya ang anumang desisyon ng organisasyion sa kanya.

Wala pang linaw kung apektado ang resulta ng laro ng Gilas laban sa Japan gayundin sa lisensya ni Ravena bilang pro player sa Games and Amusement Board (GAB).

Hindi pa rin nagbibigay ng opisyal na pahayag ang PBA at NLEX Road Warriors.

-Ernest Hernandez