Ipinanukala ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng pag-amyenda sa Bangsamoro Basic Law (BBL), upang ma-control nang buo ang pulisya sa rehiyon.

Tinawag ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na “logical” ang pag-control ng national government sa hanay ng pulisya at militar sa bubuuing Bangsamoro region upang maiwasan ang napipintong hidwaan.

“Our concern is that, the [Armed Forces of the Philippines] and the PNP will be under the direct supervision of the chief minister in the proposal. On our part, we want it to remain as is (controlled by national government) , ” ayon kay Albayalde.

Sa mungkahing House Bill 6475, layunin nito na mabuo ang BBL at mabuwag ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at mailipat sa chief minister ang kapangyarihan sa pagpapatupad ng operational control at disciplinary power sa Bangsamoro police.

National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nakapaloob din sa panukala ang pag-aatas sa chief minister na pumili ng magiging pinuno at mga assistant ng Bangsamoro police, at sa magiging trabaho ng mga ito, gayundin ang deployment ng puwersa nito.

“What we are trying to avoid is for the [police] to be politicized in the future and we cannot do anything about it because we cannot control our forces. There is no more command and control,” paliwanag pa ni Albayalde.

-Martin A. Sadongdong