Pina yuhan ni Senado r Panfilo Lacson ang pamahalaan na pag-isipan ang patuloy na pagpapatupad ng Tax Reform for Accreditation and Inclusion (TRAIN) law, dahil ramdam na umano ang pahirap nito sa sambayanan.
Giit niya, maraming puwedeng gawin ang pamahalaan at hindi lamang ang pagpataw ng mga buwis na nagpapahirap sa mamamayan.
“Kapag kumulo ang sikmura, rebousyon nakaamba” ayon kay Lacson, at sinabing ito ang reyalidad at kasaysayan na rin ang magpapatunay sa katotohanan nito.
Aniya, kahit gaaano pa kasikat ang isang lider, kapag nakaramdam ng gutom ang nasasakupan nito ay tiyak na magkakaroon ng gulo.
Sinabi pa nito na sa ngayon, kilalang-kilala si Pangulong Duterte, pero kapag lumaganap na ang kagutuman ay tiyak na mababawasan ito.
Paliwanag pa ni Lacson, ang dapat patawan ng excise tax ay ang malalaking kumpanya at hindi ang mga pangunahing bilihin.
“I counted 78 lines of exemptions mula sa 143, from the power, housing, cooperative sectors, ecozones,” sambit ni Lacson.
-Leonel M. Abasola