HOUSTON (AP) — Naibaon sa hukay ang isang paa ng Golden State Warriors matapos ang kabiguan sa Game 5 ng Western Conference Finals. Nangako ang defending champion na magbabalik sa Houston para sa Game 7.

CURRY: It’s going to be fun

CURRY: It’s going to be fun

At tulad nang naipangako, naitala ng Warriors ang impresibong panalo sa Game 6 at ngayo’y naghahanda para sa winner-take-all game sa Lunes (Martes sa Manila) para muling makabalik sa NBA Finals.

“It’s going to be fun,” pahayag ni Stephen Curry. “It’s what you play for, to be in a situation where you’re one win away from going to the finals. Pressure both ways because of how big the moment is, and you’ve got to want it.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naghabol ang Warriors sa 17 puntos sa first half nitong Sabado (Linggo sa Manila) bago kumabig ng todo tungo sa dominantent 115-86 panalo.

Klaro sa Warriors na kung seryoso silang makabalik sa NBA Finals sa ikaapat na sunod na season, kailangan nilang maging agresibo sa simula pa lamang.

“I guarantee if we start the game out like we did (Saturday) and they jump out to the lead, it’s going to be 10 times harder to make it a game,” pahayag ni Curry. “So for us that’s our challenge to have the same mentality we had for the last 36 minutes of (Game 6) and bring that from the jump in Game 7.”

Kinasasabikan naman ni Kevin Durant ang pagbabalik sa Finals ng Warriors dahilan para sa maling pahayag sa iskedyul ng laro sa Game 7.

“I can’t wait ‘til Tuesday,” pahayag ni Durant sa pos t -game interview.

Mabilis naman ang p a b i r o n g p a g t a m a ni Curry sa pahayag ng kaangga.

“Monday,” aniya. “Please don’t miss a game,” kasunod ang halakhakan sa media room.

Inaasahan namang mas magiging handa ang Rockets matapos makawala sa kanilang kamay ang oportunidad na makabalik sa Finals sa unang pagkakataon mula sa matagumpay na kampeonato noong 1995-96 season.

Sa ikalawang pagkakataon, kailangan nilang makipaglaban na wala ang star player na si Chris Paul, nagtamo ng strained right hamstring na naging daan para hindi makalaro sa Game 6. Ayon kay coach Mike D’Antoni, patuloy ang ginagawang gamutan, ngunit wala pang katiyakan ang kanyang paglalaro sa Game 7.

Iginiit ni James Harden, tumipa ng 22 puntos sa Game 6, na nananatili ang kumpiyansa ng Rockets, sa kabila ng masaklap na kabiguang natamo.

“There’s no pressure. It’s an opportunity, an opportunity that we all are excited to be a part of,” aniya. “Game 7 at our house, that’s what we’ve worked the entire regular season for (is) to get home-court advantage. So we’re going to come out and be ready.”

Tangan ng Rockets tulad ng Raptors ang 34-7 home record sa regular season.