Naniniwala si Senador Cynthia Villar na ang agri-entrepreneurship ang magpapalakas sa kita ng agricultural players sa buong bansa, kaya dapat na mas mahikayat ang mga magsasaka at may-ari ng lupa na tuklasin ang mga merito ng farm business.

I g i n i i t d i n n i V i l l a r ang kahalagahan ng ag r i - ent repreneurship sa walang katapusang pakikipaglaban ng pamahalaan sa kagutuman at kahirapan, na laganap sa buong bansa lalo na sa mga liblib na lugar.

“We need to work together to improve the quality of your lives,” mungkahi ni Villar sa mga partisipante ng 10-day workshop training, na karamihan ay mga magsasaka a t miyembro ng kooperatiba na nagmamay-ari ng mga farm school.

“The training was jointly offered by the Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) and the Agricultural Training Institute of the Department of Agriculture Region 1V-A,” ani Villar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tiwala rin si Villar na sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pananaliksik sa agri-entrepreneurship sa kanilang mga farm school at komunidad, magiging maayos ang farm business na isa sa mga alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka dahil sa malawak nitong pagpipilian.

-Leonel M. Abasola