“Ito lang talaga tandaan ninyo, huwag kayong pumasok sa corruption. Huwag talaga kayong pumasok sa corru --- unforgiving ako diyan.”

Ito ang ipinagdiinan ni Pangulong sa Duterte sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng proyektong tulay sa Davao City, sa gitna nang patuloy na pagsibak niya sa mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa kurapsyon at katiwalian.

“Unforgiving ako because wala naman siguro akong nagawang mabuti sa buhay na ito, puro kalokohan. At least once bago ako mamatay, may ginawa akong --- para naman ‘yung tatay pati nanay ko mag-smile,” paliwanag ng Pangulo.

Binalaan din niya ang mga opisyal na humihingi ng tulong sa kanyang pamilya upang maipasa ang isang transaksiyon ng pamahalaan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Un a n a n g s i n a b i n g Pangulo na may sisibakin uli siyang opisyal dahil umano sa kurapsiyon, sa pagpatuloy ng kanyang pagsisikap na malinis ang pamahalaan. Ito ay sa kabila ng pagkadismaya umano ng Pangulo dahil siya mismo ang nagtalaga sa karamihan ng natanggal na opisyal at kaibigan pa niya ang mga ito.

Ma t a t anda ang s ini b a k kamakailan ni Duterte si Tr anspo r t a t i on As s i s t ant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipag-usap nito sa kapatid ng Pangulo tungkol sa Mindanao railway project.

-Genalyn D. Kabiling