BINUWELTAHAN ni Drake sina Kanye West at Pusha T sa kanyang bagong awitin.

Drake

Sa kanta, mapapansing sinasagot ng Toronto rapper ang mga liriko ng bagong album ni Pusha T, na naghahayag na hindi umano gumagamit ng ghostwriters si Drake sa pagsusulat ng kanyang mga awitin.

Sa kantang Infrared, na kabilang sa album na Daytona, na prinodyus ni Kanye, sinabi ni Pusha na gaya ni Donald Trump, na iniulat na humingi ng tulong sa Russians para manalo sa U.S presidency, tinulungan din si Drake ng studio.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The lyric pennin’ equal the Trumps winnin’/The bigger question is how the Russians did it/It was written like Nas but it came from Quentin”.

Sumagot si Drake sa kanyang track na Duppy Freestyle, at kinuwestiyon ang tanyag na drug dealing credentials ni Pusha T, sa rap: “You might’ve sold some college kids some Nikes and Mercedes / But you act like you sold drugs for Escobar in the 80s”.

“Don’t push me when I’m in album mode / You’re not even top five as far as your label talent goes / You send shots, well, I got to challenge those.”

Binatikos din ni Drake si Kanye sa kanyang awitin, sa mga lirikong: “I’ve done things for him I thought that he never would need / Father had to stretch his hands out and get it from me.”

“It’s gonna be a cruel summer for you / told Weezy and Baby ‘I’ma done him for you’ / Tell ‘Ye we got an invoice coming to you /

Considering that we just sold another 20 for you.”

Nag-tweet naman si Pusha ng invoice line, at nag-post: “Send the invoice for the extra 20...”.

Agad din namang sumagot si Drake sa tweet ni Pusha.

Inaasahang ilalabas sa Hunyo ng rapper ang kanyang bagong album na Scorpion, ayon sa ulat ng Cover Media.