Inihihirit ng Department of Tourism (DoT) ang six-month medical visa para isulong ang Pilipinas bilang isang medical travel at wellness destination.

Sinabi ni Roberto Alabado, ang director for Medical Travel and Wellness Tourism ng ahensiya, na malaki ang potensiyal ng Pilipinas sa medical tourism, dahil sa maraming ospital na mayroong topnotch medical facilities at lumalaking bilang ng highly skilled human resources sa medical field.

Sinabi ni Alabado na ang pangunahing katangian ng bansa bilang susunod na medical tourism destination sa mundo ay ang mga Pinoy na kilala sa kanilang likas na kahusayan at pagiging maalaga sa mga kliyente, at kakayahan na mapagsama ang wellness, medical at tourism.

Sinabi niya na ang Interagency Committee on Medical Travel and Wellness Tourism, na binubuo ng Department of Health, Board of Investments, Department of Foreign Affairs, at DoT, ay sinimulan na ang mga pagtalakay sa pagkakaloob ng medical visa sa foreigners.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ibibigay ang medical visa sa mga turista, na ang pangunahing layunin sa pagbiyahe sa Pilipinas ay magpagamot at sumailalim sa medical surgery, ani Alabado.

Sinabi ng opisyal na ang top markets ng Pilipinas para sa medical tourism ay ang US, Canada, Indonesia, Pacific Island Nations, Palau, Guam, Middle East, at Australia.

-Antonio Colina IV