NAKABALIK sa winning track ang Cignal HD at nakasalo pa sa liderato makaraang walisin ang Philippine Air Force, 25-20, 25-16, 25-10 kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Premier Volleyball League 2 Reinforced Conference sa Batangas City Sports Coliseum.

NAGDIWANG ang Bangko-Perlas matapos makasikor sa karibal sa PVL Cup. (RIO DELUVIO)

NAGDIWANG ang Bangko-Perlas matapos makasikor sa karibal sa PVL Cup.
(RIO DELUVIO)

Gumamit ng bagong kumbinasyon si HD Spikers coach at bagong Ateneo Lady Eagles mentor Oliver Almadro na naging malaking susi sa panalo.

Ginamit na setter ni Almadro sa laro ang beteranong si Vince Mangulabnan na nangibabaw sa tapatan nila ni Jet Spikers Pietrus de Ocampo.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nagtala ng 17 excellent sets ang dating National University standout na si Mangulabnan kumpara sa siyam ni de Ocampo.

Tinumbasan naman ng 17 puntos ni dating UAAP 5-time MVP ang nasabing sets ni Mangulabnan na kinabibilangan ng 15 hits bukod pa sa walong excellent receptions.

Sinundan naman ito ni Rex Intal ng 10 puntos habang wala naman ni isang umabot ng double digit sa Jet Spikers na pinangunahan ni Ranran Abdilla na mayroon lamang walong puntos.

Tanging sa reception lamang nakaungos ang Air Force, 34-27 habang dikdik naman sila ng Cignal sa blocks at service sa itinala nitong 10 blocks at tatlong aces .

Binigyan din nila ng 25 puntos ang HD Spikers mula sa ginawa nilang unforced errors.

-Marivic Awitan