Natangay ang cell phone, na nagkakahalaga ng P10,000, ng isang teenager sa Maynila nitong Sabado, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera.

Ayon kay PO2 Mi chael Permano, imbestigador, ang biktimang si Rey Villanueva, 18, ng Raja Matanda Street, Tondo, Maynila, ay nagtungo sa barangay hall ng Barangay 48, Zone 1, District 1 sa Tondo, Maynila matapos madiskubre na nawawala ang kanyang cell phone.

Sinilip ng awtoridad ang CCTV footage, na kuha mula sa Raja Matanda St., at nadiskubre na habang natutulog ang biktima sa loob ng isang kariton nang sumulpot ang suspek na kinilalang si Aries Romero, 20, ng 1676 Baltazar St., Tondo, Maynila at kinuha ang cell phone ng biktima, dakong 4:00 ng madaling araw.

Pagsapit ng 4:00 ng hapon noong araw ding iyon, nasilayan ni Villanueva ang suspek sa Herrera Street, at saka inaresto.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bigo ang awtoridad na marekober ang cell phone ng biktima habang nasa kustodiya ng Moriones-Tondo Police Station ang suspek.

-Hans Amancio