GINAPI ng Banko Perlas ang PayMaya, 18-25, 18-25, 25-19, 25-22, 15-11, nitong Sabado para tuldukan ang four-match losing run sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference nitong Sabado sa The Arena sa San Juan.

Hataw si American import Lakia Bright sa natipang 25 puntos, habang kumana si Thai reinforcement Jutarat Montripila ng 24 puntos para sa ikalawang panalo ng Spikers sa anim na laro.

Kumana rin si Nicole Tiamzon na may 11 marker sa Banko-Perlas.

“Pahirapan ang panalo namin at least kahit papano nakahinga na kami kasi masyadong emotionally drained team dahil sa sunud sunod na talo,” pahayag ni BanKo Perlas coach Dong dela Cruz.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Actually ‘yung mga talo namin winnable, kasi kaya namin ang games na ‘yun. Dito sa game namin bumalik kami and I hope dere-deretso na ‘to,” aniya.

Nanguna sa PayMaya si import Tess Rountree na may 39 puntos para sa 3-2 marka ng High Flyers. Nag-ambag sina Shelby Sullivan at Jerilli Malabanan ng 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, humanga si coach Jerry Yee sa character ng bagong import na si Olena Lymareva-Flink na kaaagd na sumabak sa ensayo mula sa mahabang biyahe mula sa Ukraine para sandigan ang Petro Gazz.

Pinalitan ni Lymareva-Flink si Kadi Kullerkann.

“Ang sipag niya, alam ko may nine-hour layover sa flight tapos may 13 hours nakaupo lang siya. Pagdating niya ayaw niyang magpahinga lang siya gusto niya raw agad ma feel bola,” sambit ni Yee.

Haharapin ng Petro Gazz ang Pocari Sweat-Air Force sa Miyerkules