Sampung mga daliri ng kamay ang kailangang irekord sa binabalangkas na National ID system upang matiyak na hindi ito mapeke at mabago ang pagkakakilanlan ng bawat indibidwal.
Tiniyak din ni Senador Panfilo Lacson na wala nang mapapipigil pa sa National ID system dahil pumayag na ang Kamara sa mga bersyon ng Senado at ratipikasyon na lamang ang kulang.
Aniya, maging ang Palasyo ay wala ring tutol sa National ID system na ipinanukala sa termino pa ng mga dating pangulong sina Fidel Marcos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III, pero ngayon lamang tila tinatanggap ng taumbayan.
Ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang mangangasiwa sa implementasyon nito at mayroon nang nakalaang pondo.
Sinabi pa ni Lacson na si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pangunahng may-akda nito bagama’t marami din silang nagsulong nito sa Senado.
Ang bagong ID ang gagamitin sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan.
-Leonel M. Abasola