CLEVELAND (AP) — Pasintabi kay LeBron James, hindi niya makakatuwang si Kevin Love sa pinakamalaking laban ng Cavaliers sa Game Seven kontra Celtics.

Bilang pagtalima sa panuntunan ng NBA, inilagay sa ‘concussion protocol’ ang All- Star forward at hindi makalalaro sa krusyal na duwelo sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Eastern Conference Finals.

Ayon sa Cavaliers, kinakitaan ng sintomas ng concussion si Love nang aksidenteng tumama ang ulo sa balikat ni Celtics rookie Jayson Tatum sa isang play sa kaagahan ng Game 6.

Ngunit, bago ang opisyal na pahayag ng Cleveland, naipahayag ni coach Tyronn Lue sa mga nag-aabang na mediamen sa teleconference na binabantayan ang kalagayan ni Love at may posibilidad itong makalaro sa Game 7.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Laban sa mas bata at walang talo sa Garden na Celtics (10-0), wala sa Cavs ang kanilang second-leading scorer at top rebounder para sa pagtatangkang makausad sa NBA Finals sa ikaapat na sunod na season.

Tangan ni Love ang averaged 13.9 puntos at 10.0 rebounds sa 17 playoff starts, at No. 2 scoring option ng Cavs.

Sa kabila nito, iginiit ni Celtics coach Brad Stevens na matibay na karibal ang Cavaliers kahit wala si Love.

“We’ll have to prepare our team to play well, regardless of who plays for them,” pahayag ni Stevens. “Obviously, they’ll run a little bit less of the Love stuff, and more of the other stuff ... probably more opportunities for LeBron, more opportunities for (Kyle) Korver and (J.R.) Smith, more opportunities off those pick and rolls. All of them were very effective for them last night.”

Hindi na kailangan pang ilahad ang statistic data para patunayan kung gaano kabigat na kalaban ang Cavaliers kahit hindi maglaro si Love.

“You can switch more,” sambit ni Lue.

“I think when Jeff (Green) is in there playing that position, it makes you more versatile defensively. But we miss his rebounding. We miss his offensive ability. It kind of all cancels out.”

Hataw si James sa naiskor na 46 puntos sa impresibong panalo ng Cavs sa Game 6 nitong Biyernes (Sabado sa Manila).