DOHA (AFP) – Inatasan ng Qatar ang mga tindahan sa alisin ang ng mga paninda na nagmumula sa grupo ng mga bansang pinangungunahan ng Saudi Arabia na noong nakaarang taon ay nagpataw ng malawakang pagboykot sa emirate, sinabi ng mga opisyal ng Doha nitong Sabado.

Isang direktiba mula sa economy ministry ang nag-aatas sa mga tindahan na kaagad alisin sa mga istante ang mga produkto mula sa Saudi Arabia, UAE, Bahrain at Egypt. Bibisita ang inspectors sa mga tindahan para tiyakin na sinusunod nila ang kautusan, ayon sa ministry.

Sinabi ng Government Communications Office (GCO) ng Qatar na sinsisikap nitong protektahan ang ‘’ safety of consumers’’.

Inilabas angkautusan ilang araw bago ang anibersaryo ng Gulf crisis. Simula noong Hunyo 2017, pinutol ng Saudi Arabia, UAE, Bahrain at Egypt ang lahat ng kanilang relasyon sa Qatar, na inaakusahan nila ng pagpopondo sa mga teroristang grupo at pagkakaroon ng malapit na relasyon sa Iran.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina