KUNG marami sa mga beteranong actor ang nababakante o tuluyan nang nagretiro, kabaligtaran ang nagaganap sa acting career ni Ricky Davao.

Untitled-39 copy

Busy pa rin siya sa paggawa ng halos sabay-sabay na mga proyekto both on TV at pelikula.

Sa teleseryeng Inday Will Always Love You ng GMA ay gumaganap as long-lost father si Ricky ni Barbie Forteza. Kasama rin siya nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay sa pelikulang Kasal ng Star Cinema bilang isang transgender.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ito na yata ang pinakamalandi kong role bilang isang beki . Nag-level up na ako since I appeared as a closet queen sa Ligaya Ang ItawagMo Sa Akin. Kung atubili ako noong gumanap bilang gay, hindi na ngayon. Times have changed at matured na ang pananaw ng moviegoers sa mga straight actors doing gay roles. Palasak na rin ang mga gay-oriented films whether indie o mainstream,” kuwento ni Ricky.

Hindi niya kakayaning pagsabayin ang pagdidirihe ng teleserye at pagganap. Kaya naka-focus siya ngayon bilang actor.

Pero kung sakaling babalikan siya sa pagdidirek, ang gusto niyang gawin ay full-length movie. (Remy Umerez)