Sinuportahan ng Malacañang ang naging desisyon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tanggalin si Janet Lim-Napoles sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ).

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinakatigan nila ang posisyon ni Guevarra na hindi “least guilty” si Napoles sa multi-billion peso pork barrel scam.

Inirason ni Roque ang magiging testimonya ni Napoles ay maaaring sasabihin ng ibang testigo sa kontrobersiya.

Matatandaang naging malaking usapin nang isailalin ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Napoles sa WPP, kasunod ng planong muling buhayin ang imbestigasyon sa kinasasangkutan nitong pork barrel scam.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Magugunitang inakusahan ang administrasyon sa paggamit umano kay Napoles bilang testigo para madiin ang ibang sangkot sa scam, partikular ang mga umano’y nasa oposisyon, na itinanggi kaagad ng Palasyo.

“We support the DoJ secretary’s decision and agree that Lim is not least guilty whose testimony is not indispensible and can be testified upon by other witnesses,” sabi pa ni Roque. (Beth Camia)