BAGUIO CITY – Ipinapanukala ng city government ang ordinansa na magsisingil sa mga bisita sa lungsod ng congestion at ecology fees para sa paggamit ng mga motor-vehicles delivery vans at truck kapag nasa mountain resort.

"The unending traffic fiasco in the Summer Capital has become an inevitable reality. Extraordinary times require extraordinary measures and while we are no experts in traffic management, we must now make a bold move to tame traffic as our City is drowning in vehicles," sabi ni Councilor Edgar Avila, na sumulat ng mga panukala.

Nakasaad din sa ordinansa na sa oras na maaprubahan, ang holiday week sa lungsod ay idideklara na bubuohin ng tatlong araw bago ang iprinoklamang national holiday at tatlong araw matapos ang iprinoklamang holiday o nasa kabuuang 6 na araw na kung kinakailangan ay pahahabain ng alkalde sa pamamagitan ng Administrative Order.

Aniya, ang P200 hanggang P400 congestion charge ay ipatutupad tuwing holidays.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang P200 kada araw ay isisingil sa mga motoristang gagamit ng kanilang sasakyan (kotse, jeep o van) para maglakbay sa lungsod o sa mga pangunahing lansangan patungo sa tourist destinations, hotels, resorts, churches, at grottos, at iba pa.

Sisingilin din ng P200 ang mga gagamit ng mga delivery van at truck, habang P400 ang isisingil sa mga tourist bus.

Ipinapanukala rin ni Avila ang tourist ecology fee, na one-time payment na P50 para sa local at foreign tourists.

Inaprubahan ito sa unang pagbasa sa City Council's regular meeting nitong linggo.

Ang pagkabigong magbayad nito ay magiging paglabag sa batas ang may multang P1,000.

"Letting congestion essentially flourish unchecked would be likely to create political backlash from our constituents, discouragement for commercial investors, dangerous problems for emergency access, thus unless real and radical changes are made, we will destroy the once peaceful, calm that Baguio was every time a national holiday arrives and we welcome tourist in our midst," aniya. (Rizaldy Comanda)