Ni NORA CALDERON

LIKAS ang pagiging masayahin ni Barbie Forteza, hindi mo tuloy malaman kung kailan siya malungkot o galit, dahil lagi siyang nakangiti at hindi ipinapahalata kung ano ang nararamdaman.

Untitled-33 copy

Kaya naman kahit noong nagsisimula pa lang siyang gumawa ng serye, kinagiliwan na siya, mapa-drama o mapa-comedy man ang gawin niya.

Miss Earth PH Joy Barcoma, suportado anti-mining protest sa Nueva Vizcaya

Ngayon, swak na swak na naman sa kanyang personality ang role niya bilang si Inday Happylou sa Inday Will Always Love You na partly shot in Cebu. Isang lechon store assistant si Inday at wala siyang reklamo sa mga eksenang nasa litsunan sila kaya bilib na bilib sa kanya ang mga kasama niya sa cast, to think na napakainit ng panahon ngayon, lalo na sa Cebu.

Pero sulit na sulit naman ang sacrifices ni Barbie dahil simula nang ipalabas ang pilot episode nila noong May 21, gabi-gabi na itong nagti-trending at panalo sa ratings game.

Very successful ang pilot week at tiyak na mas magugustuhan pa ang mga susunod na gabi dahil patindi na nang patindi ang mga eksena sa pagpasok ng mga kontrabida sa buhay niya, sina Gladys Reyes at Kim Rodriguez. Pero siyempre, papasok na rin ang love angle sa kanila ni Derrick Monasterio as Patrick, ang rich Cebuano bachelor at magiging boss niya sa litsunan.

Inaabangan na rin kung paano niya mababago ang masungit na ugali ng amo.

“Nagpapasalamat po ako sa mga sumusubaybay sa amin, lalo na po ang mga manonood namin sa Cebu,” sabi ni Barbie.

“Nakakatuwa po na kapag nag-post ako ng eksena namin doon, nagtu-tweet sila agad na napuntahan nila at kung saan iyon dahil madalas po ay nakakasama namin sila kapag nagti-taping. Para kasing ipinasyal namin sila sa iba’t ibang lugar sa Cebu na hindi pa raw nila napupuntahan.”

Congratulations sa Team Inday Will Always Love You dahil ayon sa AGB Nielsen NUTAM, simula ng pilot episode nila noong Monday, May 21, gabi-gabi silang panalo sa rating at nagti-trending sa social media, sa kabila na sila ang huli sa tatlong unang telebabad ng GMA 7, una muna ang The Cure, Kambal Karibal.

Last May 21, nakakuha sila ng 42% over Since I Found You with 34.8%; May 22, mas mataas sila sa 45.2% over 36.2%, at last May 23, 42.7% over 32.6%.