Ni NORA CALDERON

CONGRATULATIONS to Atom Araullo, ang isa ating premyadong journalists.

Katatanggap lang ni Atom ng dalawang awards mula sa 2018 US International Film and Video Festival para sa mga ginawa niyang documentary sa GMA News & Public Affairs.

Untitled-37 copy

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

Ginawaran ng Gold Medals ang Philippine Seas: The Atom Araullo Specials at ang Silang Kinalimutan na documentary naman niya sa I-Witness.

Nakakabilib na halos six months pa lamang ang nakararaan simula nang lumipat si Atom Araullo sa GMA Network pero umaani na agad ng mga parangal at citations mula sa iba’t ibang local at international award-giving bodies at festivals.

Napakalakas ng loob ni Atom sa paggawa ng kanyang mga dokyu. Ang susunod naman niya ipapalabas ay ang pagdayo at pagsisid niya sa iba’t ibang lugar sa bansa para malalimang alamin at tuklasin ang mga bantang kinakaharap ng mga mga hari ng karagatan, ang mga pating, sa Sharkland: The Atom Araullo Specials ngayong Linggo, May 27, 4:30 PM sa GMA-7, pagkatapos ng Dear Uge.

Hindi lamang sa TV ang mga papuring natatanggap ni Atom, dahil nakagawa na rin siya ng pelikula na pinupuri rin ng maraming kritiko sa pagiging matapang din ng kanyang direktor na si Mike de Leon.

Kahit ito ang natatanging pagganap niya sa pelikula, napatunayan na niya sa Citizen Jake – nabigyan ng Rated 13 ng MTRCB at kasalukuyang pinapanood ngayon sa selected cinemas.

Wala nang balak gumawa ng kasunod o panibagong pelikula si Atom, dahil gusto niyang mas concentrated siya sa paggawa ng mga dokumentaryo na kukunan niya hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Kung may makabuluhan at kapaki-pakinabang na issue na dapat niyang talakayin, pupuntahan niya gaano man ito ka-challenging.