Untitled-40

FRESNO, California — Kapwa walang alalahanin sa timbang sina Jerwin Ancajas at Jonas Sultan sa kanilang pagsasagupa ngayon para sa makasaysayang world title fight sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Save Mart Center dito.

Tumimbang si Ancajas, ang reigning International Boxing Federation super-flyweight champion, sa bigat na 114.8 lbs sa ginanap na opisyal na weigh-in nitong Sabado (Biyernes sa Manila) sa Tioga Sequioa Brewing Company.

May bigat namang 114.4 lbs ang 26-anyos na si Sultan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinumpirma naman ni Top Rank promoter Bob Arum na maghaharap sina Ancajas at Yafai sa Setyembre kung kapwa sila magwawagi sa kani-kanilang sagupaan.

“That is the plan. Let’s see. They each of course have to win their fights and, hopefully, we’ll get it on at the end of the year,” sabi ni Arum sa ESPN.5.

Gusto rin ni Ancajas na magwagi para makaharap si Yafai at maging unified beltholder bago matapos ang taon.

“Yes, that’s our dream. I want to have a chance at fighting other champions,” sabi ni Ancajas. “Right now I just want to stay focused on this fight, I don’t want to think of it as a sure win. I want to stay focused.”

“Fighting with [Sultan] is no joke. Some people underestimate him but I definitely don’t, for me so far he’s my most difficult opponent,” dagdag ni Ancajas. “He has Filipino blood, we’re all hungry to win, we’re all hungry for the world championship.”

Sa kabila ng nakatayang korona, nanatili namang respetado ng isa’t isa ang kanilang mga katauhan.

“Nakikita ko si Jerwin na magaling na boksingero. Mahirap na kalaban kaya pinag-aralan ko yung style niya,” pahayag ng 26-anyos na Sultan, pambato ng ALA boxing gym at may karta na 14-3, tampok ang siyam na KOs.

“Kaya kailangan talaga hardwork sa training para mapantayan mo siya as a boxer,”aniya.

“For me, Filipino boxers fight with their heart. So I consider Filipino opponent to be difficult in the ring,” pahayag naman ni Ancajas (29-1-1, 20 KOs).