Ni BETH CAMIA

Patay ang limang katao habang malubhang sugatan ang walong iba pa sa salpukan ng dalawang kotse sa Alegria, Surigao del Norte, nitong Biyernes ng hapon.

Base sa report, nasagi ng nag-overtake na Isuzu D-Max Pick up ang Mitsubishi Fusion kaya nakabig at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver at tuluyang bumangga sa puno sa Maharlika Highway ng Barangay San Pedro.

"Nasagi ang gilid ng vehicle one kaya nahulog ang vehicle two white pick-up truck habang ang vehicle one Fusion bumangga na sa puno ng mangga," pahayag ni Insp. Juan Belarmino, hepe ng Alegria Municipal Police.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Isinugod sa ospital ang mga biktima, ngunit agad ding binawian ng buhay ang tatlo sa mga ito.

"Nag-attempt na mag-overtake ang pick up ngayon may parating na sasakyan kaya siya nagcut-in. Narinig ang malakas na tunog. Ang ikalawang kalabog 'yun na ang pagbangga sa puno, nakita ko agad paglabas ko," ayon sa saksing si Dante dela Cruz.

Nasa kustodiya ng Alegria police ang driver ng pick up at itong kasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and multiple physical injuries.