“NAGPAPASALAMAT ako sa lahat ng supporters, kasi it’s been three years since natapos ‘yung... (Be Careful with my Heart), ‘yung fans na who were supporting us before, nandiyan pa rin sila. So, I’m very thankful na naibalik ‘yung morning habit. And I’m very thankful din siyempre sa Star Creatives, sa ABS-CBN for giving us to work together again, kami ni Jodi (Sta. Maria).”

RICHARD YAP copy

Ito ang bungad ni Richard Yap nang dalawin namin sa set ng seryeng Sana Dalawa ang Puso para rin sa post birthday celebration. Mayo 18 ang kaarawan niya.

May pagkakaiba para kay Richard ang Sana Dalawa Ang Puso at Be Careful With My Heart.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Medyo may drama ‘to ngayon, mas malalim ang story, may conflicts, acting wise siguro mas deeper ngayon and more complicated type of acting than before,” sabi ng aktor.

Tulad ng nakasanayan na nina Richard at Jodi ay sabay silang nagbabasa ng script bago sumalang sa eksena.

“We’re very much open to each other, nag-uusap kami maski na walang eksena, nagkukuwentuhan kami so the communication is there, the openness is there. Actually mas naging open nga si Jodi now than before,” pahayag ni Richard.

Wish na natupad para sa kanya ang bagong serye nila.

“Kasi matagal nang hinihiling na bumalik ako sa teleserye and it’s been three years nga before. Iyon siguro ang natupad, for the supporters. Wish for myself? Parang I don’t have a wish na for myself, I’m very thankful na for where I am, siguro good health lang kasi itong trabaho natin is not very healthy especially of the worktime that we have. Pero most of birthday wishes siguro is health for me and to my family, success of my kids and sa negosyo ko rin na maging successful.”

Noong Mayo 18, binigyan siya ng birthday leave ng Sana Dalawa Ang Puso pero nag-guest naman siya sa RP10 concert ni Richard Poon sa Resorts World at pagkatapos ay kumain silang magpapamilya sa labas bago umuwi.

Inamin ni Richard na nakaramdam siya ng pressure nu’ng binanggit na babalik sila sa dati nilang timeslot.

“The viewership has changed, the landscape ng viewership kasi mga bata ngayon hindi na nanonood ng TV, good thing there’s iWantTV. Kumonti talaga ‘yung nanonood ng TV kasi they’re watching a lot of Netflix, iflix, mga ganu’n, so we feel that hindi na ganoon karami na ang nanonood ng TV ngayon compared to dati. But were still thankful pa rin kasi nakukuha pa rin namin ‘yung ratings were expecting,” pagtatapat ni Richard.

Sino sa karakter ni Jodi -- bilang sina Lisa at Mona -- ang gusto niya?

“Si Martin (character niya) kasi, at first he was very attracted to Lisa kasi parang ideal girl niya. But when he met Mona, nakita niya ‘yung love for life ni Mona, easy to get along with, kung paano siya magbigay of herself. That what really attracted him to her. Well, Martin wishes that those two character has Lisa, pero hindi, eh, medyo nagkakagulo sila,” paglalarawan ng aktor.

Sa mga naging karakter ni Richard bilang Papa Chen sa Binondo Girl (2011), Sir Chief sa Be Careful With My Heart (2014) at Martin Co sa Sana Dalawa Ang Puso, matunog pa rin ang Papa Chen at Sir Chief na lagi pa rin niyang naririnig na itinatawag sa kanya. Pero ngayon ay may mga tumatawag na rin ng Sir Martin, na tawag ni Mona sa kanya.

“Napapalitan na ‘yung Sir Chief, maraming tumatawag na ng sir Martin, na-associate na rin nila ‘yung character ko,” saad ng aktor.

Sa totoong buhay, magiging katulad din ba siya ni Martin kapag niloko siya?

“It would have been a normal reaction kung niloko ka. I think magiging ganu’n din ang reaksiyon ko in real life as Richard,” pag-amin ng aktor.

Sa mataas na ratings ng Sana Dalawa Ang Puso, posible bang ma-extend din ito katulad ng Be Careful With My Heart na inabot ng dalawang taon?

“That we don’t know, I cannot say kasi ang hirap pantayan ng Be Careful, unexpected naman ‘yun, pero since humahaba naman ang story nito, may chance,”pag-amin ni Richard.

Kaabang-abang daw ang pagkikita ng apat na karakter na sina Martin, Lisa, Mona at Leo (Robin Padilla).

-REGGEE BONOAN