PATULOY na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga cable cars bilang alternatibong paraan ng pampubikong transportasyon.

Ibinahagi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na kasalukuyan nang nakikipagpulong ang ahensiya sa mga posibleng kumpanya na maaaring maghain ng pamasahe na katulad sa mga public utility vehicles (PUVs).

“There are also conversations I have not forgotten about the cable car. We are finalizing certain details. Hopefully, I would be able to convince proponents to agree on a rate,” bahagi ng talumpati ni Tugade sa ginanap na Asia CEO Forum sa Manila Marriott Hotel, Pasay City nitong Huwebes.

“I want a rate of the cable car to be more or less parallel with the rates of the jeepney, the bus, the taxi, LRT, and MRT. I don’t want a rate that is high so that, you know, the public can benefit,” dagdag pa niya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang panukalang cable car system ay uumpisan sa Pasig na may kapasidad na 35 pasahero kada bagon.

Una nang sinabi ng DoTr na ikinokonsidera nito ang posibilidad ng paghingi ng tulong teknikal at pondo sa gobyerno ng France para sa isang pag-aaral tungkol sa cable cars.

Bago maupo sa kanyang opisina noong Hunyo 2016, iminungkahi na ni Tugade ang pagkakaroon ng cable car system bilang isa sa mga solusyon sa siksikang kalsada ng Metro Manila.

Ayon sa Kalihim, dapat ikonsidera ng Pilipinas ang karanasan ng Bolivia na gumamit ng cable car upang malutas ang problema ng trapik sa bansa.

PNA