CLEVELAND — Pinili ni LeBron James ang Boston bilang susunod na koponan na lalaruan niya sa hinaharap.

Ngunit, tila mag-iiba ang desisyon ni James, ngayong nahila ng Cleveland Cavaliers sa Game Seven ang Eastern Conference Finals.

Untitled-40 copy

Sa isa pang pagkakataon, ipinamalas ni James ang talent na naglagay sa kanya sa pedestal bilang ‘The King’ sa naitalang 46 puntos para sandigan ang Cleveland sa matikas na 109-99 panalo kontra Celtics nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Nagawang manalo ng Cleveland sa kabila ng pagkawala ni Kevin Love na nagtamo ng injury sa kaagahan ng second period.

Sa ipinapalagay na huling laro ni James sa Cleveland, humugot din si James ng 11 rebounds at siyam na assists para maisalba ang Cavs sa pagkasibak sa conference finals.

“Greatness,” paglalarawan ni Cavs coach Tyronn Lue sa performance ni James. “Championship pedigree. Giving it his all. We needed that, especially when Kevin went down. We had to play ‘Bron as many minutes as he had to. He delivered. He was up for the challenge. He carried us home as usual.”

Tulad ng hiyawan ng crowd, hindi pa tapos ang kampanya ng ‘The King’ at may tsansa pa siyang maitala ang ikawalong sunod na pagpasok sa NBA Finals.

Gaganapin ang Game Seven sa Linggo (Lunes sa Manila) sa TD Garden sa Boston kung saan tangan ng Celtics ang 10-0 marka sa postseason.

“We have one game to be able to compete for a championship, and what more could you ask for?” sambit ni James. “If I’d have told you at the beginning of the season we only needed one game to make the NBA Finals, we’d take it.”

Nag-ambag si George Hill ng 20 puntos at tumipa si Jeff Green ng 14 na puntos para sa Cavs.

Nanguna si Terry Rozier sa Celtics sa natipang 28 puntos, habang kumubra si Jaylen Brown ng 27 puntos.