BACOLOD CITY– Patay ang isang drug lord at ang kamag-anak nito, habang ang apat na iba pa, kabilang ang isang police officer, ang sugatan sa 15 oras sa operasyon laban sa Poja Drug Group dito, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Ramy Poja, 36, sinasabing leader ng Poja Drug Group. Siya ang nangungunang most wanted persons ng Police Station 3 at kinikilalang drug lord sa Bacolod at sa Western Visayas.

Mayroon siyang nakabimbin na warrants of arrest para sa guns at drugs charges ngunit palaging natatakasan ang awtoridad sa pamamagitan ng paghahagis ng granada noong 2015, 2016, at Pebrero ng nakaraang taon.

Napatay din ang kamag-anak ni Poja na si Roberto Lim, alyas Bobby, na kinikilalang High Value Target. Sugatan naman si Rusty Poja Constantino.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naaresto ng awtoridad si Claudine Bindol, 33, sinasabing nobya ni Poja at Cyril Jarina para sa kasong obstruction of justice.

Sila ay nasa bahay ng isang Salvador Poja, alyas Manahan, ang lugar kung saan nakorner ng mga pulis si Ramy Poja sa Sitio Sibucao, Bgy. Banago ng lungsod.

Nakumpiska sa operasyon ang iba't ibang mataas na kalibre ng baril at P840,00 halaga ng hinihinalang shabu.

-Mark L. Garcia