IPINAGYABANG ng mandatory challenger na si Jonas Sultan na mas magaling sa hahamunin niya sa Linggo na si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ang huli niyang tinalo na si two-division world titlist Johnriel Casimero.

Magsasagupa sina Sultan at Ancajas sa unang all-Filipino world boxing championship bout sa Save Mart Center sa Fresno, California pagkaraan ng 93 taon mula nang idepensa ni undisputed world flyweight champion Pancho Villa ang kanyang titulo kay Clever Sencio sa Rizal Park sa Maynila noong Mayo 2, 1925.

Tinalo ni Sultan si Casimero via 10-round unanimous decision noong Setyembre 16, 2017 sa Cebu City para sa IBF eliminator bout, ngunit kinuwestiyon maging ng dating two-division world titlist ang pagkatalo nito kay Sultan.

“Sultan does not have a good punch, I don’t know how he beat me,” sabi ni Casimiro sa ESPN. “Ancajas will beat Sultan.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“For me, Filipino boxers fight with their heart, so I consider a Filipino opponent to be difficult in the ring,” sabi ni Ancajas sa huling press conference nila bago ang laban. “It is God’s will that we are here, participants in the main event. I thank Top Rank for the opportunity.”

Buo naman ang tiwala ni Sultan na lilikha siya ng malaking upset sa pagtalo kay Ancajas.

“I am going to go all out to win this championship. I studied Ancajas’ style very carefully, and now it’s my opportunity to do what I can,” diin ni Sultan.

May record si Ancajas na 29-1-1 win-loss-draw na may 20 pagwawagi sa knockouts samantalang si Sultan ay may kartadang 14 panalo, 3 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña